Kapag hindi naayos ang problema sa Bilibid, Dela Rosa handang magbitiw sa puwesto

Handang magbitiw sa tungkulin si Bureau of Corrections (BuCor) head Ronald “Bato” Dela Rosa kapag hindi umayos ang suliranin sa administrative at budgetary ng ahensiya matapos ang isang buwan.

 “Wala ako nakitang alleviation, administratively, pati pang gasolina sarili kong gastos,” ani Dela Rosa.

Pag wala ako nakitang nag-alleviate administratively, baka mag-resign ako after one month,” dagdag pa nito.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Dela Rosa na matutugunan ang mga suliraning ito kabilang ang siksikang piitan sa Bilibid at welfare ng mga preso sa pamamagitan ng paglalaan ng tamang budget.

 “Actually ang solusyon talaga rito pera budget talaga. But simple lang bigyan n’yo lang ako ng time I will institute reforms… diskartehan ko ‘yan,” ani Dela Rosa.

Sa kabila ng mga isyu sa ahensiya, sinabi naman ni Dela Rosa na ito’y hindi niya agad susukuan.

Kakayanin ko yun di ako tao na nagsu-surrender agad,” ani Dela Rosa.

Samantala, tiniyak naman ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang suporta nito kay Dela Rosa. Aniya, “I would like to take this opportunity to give assurance to the director general that they will get more than the necessary support.

We’ll make sure that the BuCor will have substantial budgetary allocation and for the present budget for 2018 we’ll make sure that all the appropriate funds shall be released efficiently,” saad pa nito.

Nangako namang tutugunan ng dating PNP Chief ang problema sa loob ng NBP: “Ako ASAP sana, kaya nga gulpi-de-gulat ang pasok ko run.”

Kayo na bahala mag-imagine basta gagawan ko ng paraan,” dagdag pa nito.

Loading…