Dela Rosa inaming original ang True Religion jeans na nag-viral sa social media

Inamin ni Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” Dela Rosa na orihinal ang suot  niyang True Religion jeans nang bumisita ito sa New Bilibid Prison kamakailan.

Naging usap-usapan sa social media ang suot ni Dela Rosa na pantalon dahil ito’y nagkakahalaga ng  P25,000, base sa website nito.

Unang araw mo pa lang, puro porma lang ang gagawin mo sa bagong trabaho mo. Maong na suot mo, nanggaling na sa…

Posted by Metro Manila Graft Scandals on Monday, May 7, 2018

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Dela Rosa na ang pantalon ay nagkakahalaga lamang ng P5,000. Aniya, regalo lamang ito ng kanyang nakababatang kapatid na pulis sa Las Vegas.

Yung suot ko na ‘yun original ‘yun. Hindi ‘yun fake. Hindi ko binili, bigay ng aking kapatid na pulis sa Las Vegas… ‘Yung bahay niya malapit lang sa outlet. Less than $100 lang ‘yun o $100 so more or less P5,000 lang ‘yun,” anang dating PNP Chief.

Wika pa ni Dela Rosa, marami siyang  True Religion jeans ngunit ang mga ito’y binili lamang niya sa Greenhills Shopping Center.

Nabago na nga ba ang ‘probinsiyano’ lifestyle ni Dela Rosa noong siya’y PNP chief?

Relo ko o, plastik pa rin o. Luma pa rin.”

Sayang kasi kung hindi ko suotin, bigay ng kapatid ko ‘yun e,” dagdag pa nito patungkol sa branded jeans.

Source :

ABS CBN, KD News

Loading…